“ANG TAMANG LUNAS PARA SA ISANG MAGANDANG BUKAS”

         26th of July 2009,  I joined an oratorical competition in the school for it was Nutrition Month. The theme was “Wastong Nutrisyon Kailangan, Lifestyle diseases iwasan”, my oration was entitled“Ang Tamang lunas para sa isang magandang bukas”. It was tough for I only have a night before the competition, but still I made it successfully.

         That very day, i wasn’t feeling well for I only had three hours of rest due to writing and rehearsing my lines at the same time. It was the moment of truth, even if I wasn’t my well condition I introduced my piece nicely and perfectly.

Mahal kong punong guro, mga guro, mga mag-aaral, bisita magandang umaga po sa inyong lahat. 

Nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking Oration ukol sa “Wastong Nutrisyon Kailangan, Lifestyle diseases iwasan”.  Ito ay pinamagatang “Ang Tamang lunas para sa isang magandang bukas”


“ANG TAMANG LUNAS PARA SA ISANG MAGANDANG BUKAS”

By:  Gerard Christian P. Campo II-Sapphire

Mataba ba ako at overnourished?

Ikaw payat ka ba at undernourished?

Kayo karamihan ba ay malnourished?

Alinman dito ikaw, ako, kayo sa tamang nutrition dapat isa-isip.

Ha ha ha ha…. Akala mo wala akong sakit?

Ikaw payat akala mo ikaw ay maraming maaakit?

Parehas lang tayo sa lifestyle diseases i-uukit..

Alam nyo ba kung bakit?

Sapagkat wala tayong pagmamalasakit…..

Anong mga sakit ang sa atin lalapit – kasama na dito ang

cancer, sakit sa puso, diabetis at sakit sa baga na di kanais-nais!

Tama ka kaibigan, ang pagkain ng wastong nutrition

ay sa malusog na katawan panpundasyon!

Ang hindi tamang pagkain ay sa immune system magpapahinahon!

Pagkain?  Asan ang pagkain?

Mamalingki? Maghuhugas, Magluluto?

Ayoko! Ayokong mapagud! Mas lalong ayokong magluto!

Sa labas nalang kumain masarap pa at masagimsim!

Mag-iinuman hanggang sa tayo ay malasing!

Ha ha ha kaibigan, mali! Malaking pagkakamali!

Ang kumilos ay isang ehersisyo na kung wala ay

isang risk factor sa lifestyle diseases

gaya rin ng paningarilyo, pag-inom ng alak,

maling diyeta, pagiging mataba at malnutrition!

Eh ang sarap kumain ng lechon, ice cream, salad,

chocolates, soft drinks kaysa sa tubig – di ba kaibigan?

OO kaibigan subalit ito ba ay hanggang saan?

Tingnan mo ang iyong sarili mukha ka nang kwarenta y siete

sa gulang mong baynte-siete!

Kaibigan kumain ka nang sapat at hindi sobra

para tama ang timbang nang hindi ka lumakad na pakimpang-

kimpang!

Dagdagan ang kain ng gulay at prutas;

iwasan ang pagkaing matatamis;

gayundin ang maaalat nang di ka mainis pagdumalo ang sakit na di-

kanais-nais!

Di kana-is nais gaya rin ng ating ginagawa sa ating pamamahay,

pamayanan at paaralan –

Ano ang nakikita natin sa ating mga paligid?

Bulaklak ni Ma’am, Orchids ni Mommy, garden lawn ni Daddy!

Saan ang mga prutas?  Saan ang mga gulay?

Di bali na ito dahil hindi ito magpapaganda kundi magpapapangit

at hindi magdudulot na kapaligirang kaakit-akit!

Mali ka na naman kaibigan!

Sa ating pamamahay, pamayanan at paaralan

sa pagtanim ng gulay at prutas ay mas kailangan!

Sino ang magtatanim?

Ikaw, ako, tayo, si Daddy at si Mommy!

Ngunit nasaan si Mommy?

Hayon nagpapasexy hindi tuloy nagpapadidi kay baby!

Naku ano ang kahihinatnan ni baby kung saka-sakali

sa sakit madaling mahahawaan at huli na ang pagsisisi!

Kaibigan,  breastfeeding isulong hanggang sa dalawang taong gulang

kahit gaano ka busy ka pa man!

Breastfeeding isang palatuntunan ng ating pamahalaan

gaya na rin ng paggawa ng mga patakaran

para mas mura at marami ang supply ng prutas at gulayan;

at maglagay ng mga imprastraktura para sa ehersisyo ng buong

sambayanan!

Ito ang tamang lunas para sa isang magandang bukas!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s