Mga Tauhan:

This is the cast of characters I and my classmates portrayed for the role playing Noli Me Tangere. The way our class portrayed each role of the characters was easy because the characteristic of each characters in the novel is somehow similar to the casting we made.

Ang sumusunod ay ang mga tauhan ng dulang Noli Me Tangere at ang mga nagsiganap.

Pinapangunahan ng mga sumusunod:

Crisostomo Ibarra – Reysel
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Maria Clara – Julianne
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Kapitan Tiyago – Ceasar
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Tiya Isabel – Melanie
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Tinyente Guevarra – Arnold
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Padre Damaso – Gerard
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.

Padre Salvi – Nicole
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Pilosopo Tasyo – Herbert (double-role)
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Elias – Jerome
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
Basilio – Ervin (double-role) ; Crispin – Jacob (double-role)
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Sisa – Noemi
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Kapitan-Heneral – Renz (double-role)
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Donya Consolacion – Darline
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Alperes – Saturn
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina – Trixia
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Don Tiburcio de Espadaña – Jerwin
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares – Liam
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Mga sumusuportang tauhan:
Lucas – Ryan (double-role)
Taong madilaw na gumawa ng kalong
Yayeng – Ena

Ang balerinang sumayaw sa kasiyahan na nauwi sa alitan.

Chananay – Rizza ; Marianit –  Hannah

Ang mga mang-aawit na kumanta sa kasiyahan.

Sepulturero – Alfredo (double-role)

Nagtapon sa ama ni Crisostomo.

Don Filipo –  Kent (double-role)
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Lalaking kulay-mais ang buhok –  Ryan (double-role)

Nakausap ni Padre Damaso.

Sinang – Xyril ;Andeng – Cris; Victoria – Iris
Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Iday –Shaira ; Inday – Ruby; Sinay- Joy; Andrea – Gabriela

Mga nag-uusap.

Mga Gwardya Sibil- Herbert (double-role) ; Alfredo (double-role)

Nagpatigil sa katuwaan.

Mga kuwadrilyero- Kent(double-role) ; Jacob (double-role)

Kumalaban sa mga Gwardya Sibil.

Mga alalay sa bahay ng Alperes – Carmille; Eangeline

Nagbabantay kay Donya Consolasion.

Sakristan Mayor- Renz (double-role)

Nagturo kay Crispin na magnanakaw.

Padre Sibyla – Ervin (double-role)
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s