Act 2- Suyuan sa Asoteya at Todos los Santos


<ang setting ay balcony na puno ng mga bulaklak, papasok sina Melanie, Julliane at Ceasar sa set>

Ceasar: Clarita, sa palagay ko mas maganda na lumipat ka sa Malabon, hindi na kasi dito sa San Diego seserbisyo ang ninong mo. Sige, maghanda ka na ng mga damit at magpaalam ka na sa iyong mga kaibigan.

Melanie: Tiago! Ano ka ba, mas-hiyang ang anak mo dito, nandito na kasi si Ibarra.

<lumingon sa likod si Maria Clara, tinabunan ang mukha ng pamaypay>
Ceasar: Ah! Tama, nagpasya nga si Crisostomo dito!
<napabulalas si Maria Clara, nahihiya…biglang may kumatok at palingon-lingon si Maria Clara, hindi alam kung ano ang gagawin, lumabas sa set.> <pumasok sa set si Ibarra>
Melanie: Ano ba yung dalagang iyon, Diyos Mio… Clarita! Si Crisostomo nandito! Halika ditto.

<pumasok muli si Maria Clara, parang nahihiya, umalis sila Melanie at Ceasar>
Reysel: <nakatitig>Maria Clara!
Julliane: <pasulyap-sulyap, tumingin din> Crisostomo!
                    <nagyakapan ngunit di lang nagtagal>
Julliane: <lumingon sa malayo> Hmph, baka naman ako’y nalimutan na ng iyong ala-ala Crisostomo, sigurado ako na may nakilala kang ibang Niña sa bansang pinuntahan mo.

Reysel: <kinuha ang kamay ni Julliane> Maari ba kitang makalimutan? Araw at gabi ay ikaw lamang at tanging ikaw lamang aking iniisip! Ikaw nga atang nakalimot na…                                                                                                                                                                                              Julliane: Ikaw talaga! <tinulak ang kamay ng binata> Hindi talaga kita nakalimutan. Noong nasa beateryo ako, sinasabihan ako na limutin ka na, ngunit… Hindi, hindi kita kayang limutin Crisostomo!

Reysel: Maria Clara! <niyakap si Julliane>

Julliane: <naiilang>Bukas pala, Todos los Santos na…eto, mga bulaklak, ialay mo sa libingan ng mga magulang mo.
Reysel: Sige Maria Clara, aalis na ako…
                <aalis na si Reysel sa set><iiba ang setting, sementeryo at gabi na, nandoon si Alfredo na parang mayroong

 hinuhukay sa lupa> <pumasok sa set si Reysel >
Reysel: <palingon-lingon sa sementeryo, lumapit kay Alfredo> Magandang gabi, may nakita ka bang libingan na may Krus gawa sa kahoy?

Alfredo: Ahh! <parang may natatandaan> Krus ba ang sabi mo? Ah Eh, pinasunog yung Krus utos ng Pari.
Reysel: Ano?! Yung puntod na’san?!

Alfredo: Senyor, pinahukay ang bangkay, ipinalilipat sa libingan ng mga Tsino… Pero, eh, hinulog ko nalang sa ilog.

Reysel: <hinawakang mahigpit ang leeg ni Alfredo.> Ano? Pa’nu mo nagawa yun sa aking ama??

Alfredo: Senyor! Huwag po ninyo akong saktan! Dito sa bayang ito, kailangan kong sundin ang utos ng kura, kahit labag pa sa aking kalooban, kung hindi, baka ako din ay susunod sa libingan ng ama mo!                                                                                                             Reysel : <pinakawalan ang braso ng Sepulturero 2> Sino? Sino ang nagpahukay ng libingan  ng ama ko?!

Alfredo: Yung pari ng bayan, eh, hindi ko na matandaan ang pangalan,

Reysel: <hinawakan sa leeg ni Alfredo> Sino? Sino?!

Alfredo: Parang Padre… Garotte.

Reysel:     <tinulak si Alfredo>

<umalis si Alfredo sa set, palakad-lakad si Nicole sa set> <nilapitan agad ni Reysel si Nicole>

Reysel: Ikaw! Hindi ba ikaw ang Pari ng bayan! Walang hiya ka! Anong karapatan mong ipahukay ang bangkay ng aking ama!
Nicole: Binata, Hindi kita naiintindihan, wala akong pinahukay dito!
<hinawakan ni Reysel ang braso ni Nicole>
Reysel: Huwag kang magsinungaling na nagkamali kang ipahukay ng bangkay ng ama ko!!

Nicole: Nagkakamali ka! Hindi ako ang nagpahukay ng bangkay ng ama mo! Baka ang pinalitan ko na Pari… si Padre… Damaso!
Reysel: <pinakawalan niya ang braso ng Pari, umalis na parang galit at naguguluhan, inayos ni Nicole ang kanyang sarili at umalis sa set>

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s