Act 1- Ang Hapunan, Ang Erehe at Rebelde

<Ervin at Jacob nagdarasal, si Noemi ay papasok parang baliw at Kakastiguhin ni Renz (Sakristan).>

Kathleen: Pangarap… Liwanag at ningning… Liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marahil ay maraming nagdurusa. Maraming nananahimik ngunit napapahamak. Naninirahang takot, naninirahang naghihinagpis. Hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan, malayo sa pang-aapi. Kaya kayo’ng aking mga kalaban, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin…

<Si Noemi ay sisigaw ng NOLI ME TANGERE!!Aalis si Renz, susunod si Noemi, papasok ang mga tao, dayuhan, bisita; magmumukhang sala ang background, maliwanag at masaya, mukhang mayroong pagsasalo-salo.>

Kathleen: Ang mga tao ng San Diego, alamin natin ang iba’t-ibang kuwento nila; maraming malungkot, maraming masungit, marami din ang nagsasaya, parang walang problema, marami ding nagkukunwaring masaya at nagkukunwaring walang problema…

<Papasok si Tiya Isabel na hawak-hawak ang basket na may kakanin at prutas, pa gala-gala sa sala.>

Melanie: Diyos Mio! Naririto na pala kayo, Bueno Vispera, magandang araw sa inyong lahat, Gracias sa inyong pagdating ha? Ay naku Diyos Mio, Tiago, nasaan ka na! Excusa …<pa gala-gala pa rin sa set>

Gerard: <Pa gala-gala at nakasimangot ang mukha> Tch, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo dito sa sitio San Diego, ngayo’y inililipat ako sa ibang bayan; napakawalang asal na mga Indio!

Ryan: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito!

Gerard: Buwisit!! Wala akong pakealam, napakatamad talaga ng mga Indio, at makasalanan pa! Hindi marunong magkumpisal, tch…

Ryan: Padre, ang sakit mo naman magsalita, parang hindi mo matalik na kaibigan si Kapitan Tiago at ninong ka pa naman ng anak niyang si Clarita. Hindi ba kaibigan mo din yung yumao na si Don Raph…

Gerard: Callarse… Tumigil ka, para kang sinong nagmamarunong, ivete!, fuera de aquí! Alis!! Alis!

<Pumasok muli ang si Melanie, tumingin sa likod, parang may hinahanap, biglang nagulat at hinarap ang mga bisita.> <papasok si Ceasar at si Reysel sa set>

Melanie: Aba, sino ang magiting na ginuong ito?

Reysel :<nagsabad> Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong makita kayong lahat.

<nagpalakpakan ang lahat, liban kay Gerard.>

Ceasar: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwanan muna kita. <umalis>

<nakatitig ang mga bisita kay Ibarra, lalong-lalo na ang mga babae. Bukas-bibig si Padre Damaso.>

Reysel: Ah, excusar, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na si Don Raphael Ibarra! <mag-shake hands na sana>

Gerard: Ha! Iho, ako nga si Padre Damaso, pasensya ngunit nagkakamali ka, ni minsan ay hindi ko naging amigo ang iyong ama!

<binaba ni Ibarra ang kanyang kamay>

Ceasar: Ah, kilala mo na pala Crisostomo si Padre Damaso, handa na ang hapunan!
<Lumayo si Padre Damaso at pinalitan ang props ng kainan, hindi na sala.>
<pumaroon na ang mga bisita sa dining table>
<umupo na ang mga bisita at sina Don Crisostomo Ibarra at Padre Damaso, ngunit wala si Kapitan Tiago,ito’y umalis>              <Inihanda na ang isang supera , naglagay sila ng mga pagkain>

Arnold: Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa?
Reysel: Pitong taon po Tenyente Guivara…
Arnold: Aaaah…pitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito!
Reysel: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.
Gerard: Hmph, sabihin mo sakin, ano ang motibo mo bakit ka pumarito?
Reysel: Ah, unang-una nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at nais ko ring malaman kung bakit at paano namatay ang aking ama.

Gerard: Nagpapatawa ka ba? Una mong motibo ay nakakatawa, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat na mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang una mong motibo sa pagsasadya mo rito, nada importante dito sa bayang ito!

Reysel: <parang may galit> Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayang Pilipinas tulad ng Inang Bayang Espanya!

Gerard: <lumingon sa paligid> Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang Virtud, sinasagot pa ang reberensya, parang matalinong magsalita!

Arnold:  Senyores, huwag kayong magtaka sa ating kura, ganyan na yan siya dati pa at hindi na magbabago.

Reysel: <tumayo si Ibarra> Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.<tumugon para umalis, sinamahan din ng Tenyente, hinarangan ni Kapitan Tiago>

Ceasar: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong gabi, sinundo na siya ni Isabel.

Reysel: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapat asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din.<umalis si Crisostomo at ang Tenyente sa set>
Gerard: Tingnan ninyo! Kayabangan! Hindi humilde. Mga binatang pinapayuhan para mag-aral sa Europa,pagbalik rito ay para nang sino! Dapat ipagbawal iyan ng gobyerno!

<umalis ang lahat sa set, si Arnold nalang at papasok si Reysel>

Arnold: Don Crisostomo, nabalitaan mo na ba tungkol sa iyong ama?
Reysel: Hindi pa po…

Arnold: <napabulalas, tiningnan si Ibarra> Ano?! Walang nagbilin ng mensahe para sa inyo tungkol sa kamatayan ng iyong ama sa bilangguan?

Reysel: Bilanguan? Ang ama ko’y namatay sa bilanguan? Hindi maari sapagkat napakamabuti nyang tao.

Arnold: Maraming nagmamahal sa kanya, mayaman siya, marangal ang iyong ama, kaya nga marami siyang nakaaway na Espanyol.

Reysel: Ano ang nangyari?

Arnold: Ayon sa mga tao, mayroong mangmang na artilyerong Espanyol na nangastigo ng bata, linapitan ito ng yong ama, sa kasamaang palad natumba ang artilyero. Ayon sa ibang tao, sinuntok at tinulak raw ng yong ama ang artilyero. Ang totoo, nawalan lamang ng balanse ang artilyero kaya ito natumba. Doon, tinalikuran na ng mga dating kaibigan at ng taong bayan ang iyong ama, binansagang erehe at filibustero.

Reysel: …<natahimik>
Arnold: Ako ay nakikiramay sa iyong kasawian, ngunit, kailangan ko nang bumalik sa kwartel.
<napatulala si Ibarra at mukhang nagmumok-mok, umalis na ang Tenyente sa set.>

Kathleen: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang ama niya’y pinagbintangan ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit, hindi ang paghihiganti ang agad inisip ng binata, nais niyang ipagpatuloy ang mga magagandang pangarap ng kanyang ama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s