Act 3- Ang mga Sakristan


< pumasok sina Jacob at Ervin sa set>

Jacob: Kuya, panu yan, pinagbibintangan akong magnanakaw. Papatayin daw ako kung hindi ko mailalabas ang pera.

Ervin: < inilagay ang kamay sa ulo ni Jacob> Huwag kang mag-alala Crispin pagdating natin sa bahay, siguradong tutulungan tayo ni Inay.

                < pumasok si Renz (Sakristan Mayor) sa set>

Renz: Hoy!! Tsk, tsk, tsk, bata! Ilabas mo na ang pera!

Jacob: Sinabi ko na po sa inyo… wala po akong ninanakaw!!

Renz: Hindi mo ba talaga ibabalik?? <kinaladkad si Jacob, hinila niya sa yakap ni Ervin>
Jacob: Kuya!! <hinihila na nakahiga sa sahig palabas sa set>
Ervin: Crispin! <nilapitan niya at sinungganban si Renz, ngunit tinutukan ng baril sa ulo si Ervin>
Renz: Buwisit kang bata ka! <pinukpok ang baril at natumba si Ervin>
Jacob: Kuya!! <hinila muli si Jacob palabas sa set>
Ervin: <tumayo na dumudugo ang noo> Crispin! Crispin!<palingon-lingon sa set at umalis>

<ang setting ay si Noemi lamang>

Noemi: Salamat, makakasama ko muli ang aking mga anak, ngunit, hanggang ngayun, wala pa rin sila, bakit kaya? Sana maayos ang kalagayan nila… di bale, pinag lutuan ko naman sila ng paburito nilang pagkain!

Ervin: < papasok sa set>Inay! Inay!
Noemi: Basilio! Diyos ko, anung nangyari sa ulo mo!  <hinaplos ni Sisa ang noo ni Basilio at niyakap>

Ervin: <umiiyak> Nanay, si Crispin po… pinagbintangan na magnanakaw! Inosente po siya Nanay!
Sisa: Si… Crispin?? Nasaan na ang kapatid mo ngayon?! Anong nangyari sa ulo mo? Sinong may kagagawan nito sa iyo??
Ervin: Wala ito nanay, ah, nadapa lang ako habang papunta rito! Si Crispin po nasa simbahan, hindi siya pinalabas ng Sakristan Mayor!

Noemi: Ano? Diyos ko! Crispin ko! Pupunta ako sa simbahan ngayon din! Gamutin ko muna ang sugat mo.    <kumuha ng basahan at pinahid ang dugo na nasa mukha ni Basilio>

Ervin: Nanay, ayoko na maging Sakristan. <nagsimulang humikbi>

Noemi: Kumain ka muna anak, Pag-usapan natin iyan , <yumukod at hinalikan si Basilio sa ulo, at niyakap> pupuntahan ko muna si Crispin.<umalis si Sisa sa set, kasunod si Basilio>

<papasok si Noemi sa set at nandoon sa Renz>

Renz : Ikaw! Saan mo tinago ang pera!
Noemi: Senyor! Papunta lamang ako ng simbahan para kuhain ang aking anak! Wala sa aming pamilya ang pera! Hindi dahil mahirap kami, pagbibintangan mo nalang kami ng basta-basta! <hinawakan ni Renz> Layuan mo ako!

Renz: Anong akala mo sa akin, estupido? Ilabas mo ang pera! <hinawakan si Noemi sa kamay at ikinaladkad, sinampal at pinalo>

Noemi: Senyor! Aray! Diyos ko, maawa ka! Aray! Hindi magnanakaw ang anak ko! Aray! <may naglalakad na mga tao, pasulyap-sulyap sa insidente, nahuhubad na ang sirang damit ni Sisa>

Renz: Hmph, <itinapon si Sisa sa Lupa> hindi bale, buhay ang magbabayad sa pagnanakaw ng anak mo! Umalis ka, hampas lupa!

Noemi: <napatingin nalang sa Gwardiya Sibil, humahagulgol> Buhay?! Crispin! Anak ko! Crispiiiin! Anak ko!

<humahagulgol si Sisa> <umalis na ang Gwardiya Sibil sa set>

Kathleen: Oo, masaklap at masakit ang dinanas ng ina, ngunit, hindi lahat ng tao ay may muwang sa mga kasamaan at pagdurusang nagaganap, tulad nalang ni Ginoong Ibarra.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s