Act 8- Ang Unang Panganorin


<ang setting ay sa bahay nila Kapitan Tiago>

Kathleen: Isang malaking pagmamadali ang nangyayari sa bahay ni Kapitan Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Sapagkat pinagbawalan na siya ng kanyang ama na makipag-usap pa kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

<nasa set sila Ceasar, Melanie, Julliane at Cris>

Ceasar: Maria wag ka na muna makikipag-usap o makikipag-ugnayan kay Ibbara… Hangat sa hindi pa inaalis ang kanyang eskomonya…

Melanie:  Kapitan.. Kailangan mo ng magmadali… Kami na ni Andeng ang bahala kay Maria.                                                  

Ceasar: Mabuti pa nga… <umalis>                                                                                              

Melanie: Maria… Payong tiyahin lamang, sundin mo ang Kapitan ng di na madagdagan ang problema.

Julliane: Ngunit Tiya Isabel… di ko po ata makakayang hindi ko makausap ang aking mahal<umiyak>  

            <lalabas si Melanie sa set>

Cris: Maria taha na, idalangin mo nalamang ang yong hiling at diringgin ito ng Berhing Maria…

Julliane: Berhin Maria… mahal na Berhin… tulongan nyo po sana ang aking pinakamamahal…

Melanie: <pumasok> Maria… Ano pa bang iyong ginagawa…  Naghihintay sayo ang Kapitan Heneral sa baba’t nais ka nyang makausap… Maria… Segi na mag-ayos ka na…                                                                                 

Kathleen: Mabigat man sa loob ay unti-unting nag-ayos ang dalaga. Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra.

<ang setting ay sa sala ng Kapitan at marami ng tao>

Kathleen: Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao.

Renz: Kapitan Tiago… Maria Clara

Ceasar: Kapitan heneral ikinagalak naming ika’y Makita…

Renz: Maria, mukha yatang balisa ka.

Julliane: Wala po to Kapitan-Heneral. Excusa po… <lalabas na sana>

Renz: Maria, kung mararapatin mo sana’y makapagpanayam ka sakin bago ako umalis papuntang Espanya.

Julliane: Ikinagalak ko po Kapitan-Heneral. Excusa Kapitan<umalis>

Nicole: Kapitan, Heneral.ipinaaalala ko pong isang excomunicado si Ibarra.

Renz: Tenyente, na’san na si Ibbara?

Arnold: Nasa labas siya Kapitan.

Nicole: Kapitan Heneral, isang excomunicado ang taong yaon mag-ingat kayo…

Renz: Padre Salvi ikamusta mo nalang ako kay Padre Damaso kung mamarapatin…

<palabas si Maria at papasok si Ibbara hindi sila nagpansinan ngunit ang kanilang mga mata’y nagtititigan, lumabas na si Maria pumasok si Ibbara at sinalobong ni Kapitan Heneral>

Jullianne: <luhang-luha> Crisostomo aking mahal <lumingon kay Ibbara>

Reysel: <nakatingin parin sa papalayong si Maria> Maria…

Renz: <kinamayan>Crisostomo Ibbara, ikinagalak kitang Makita. Tama lang ang iyong ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng iyong ama. Tinitiyak kong kakausapin ko ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumunicado sa iyo Ibarra.

Reysel: Maraming salamat po Kapitan-Heneral.

Renz: Alam kong matalino ka binata. Ipagbili mo nalang ang lahat lahat ng iyong  ari-arian at sumama na sakin sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang iyong kaisipan sa dito Pilipinas.

Reysel: Excusa Kapitan-Heneral, ngunit higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan.

Renz: Higit ngang kilala mo ang Pilipinas kaysa sa akin. Puntahan mo na ang iyong kasintahan at itagubilin na papuntahin sa akin si Kapitan Tiago.

<umalis na si Reysel at pumasok si Arnold>

Renz: Tenyente,  hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Kung maaari ay huwag ding syang pakialaman.

Arnold: Masusunod po Kapitan-Heneral. Wag po kayong mag-alala, pangangalagaan din namin ang kaligtasan ni Ibarra.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s