Act 7- Malayang Pag-iisip at Ang Pananghalian


<ang setting, gabi na, nagpasalo-salo si Crisostomo sa kanyang bahay>

Kathleen: Naghanda ng isang pasalu-salu si Crisostomo Ibbara sa kanyang bahay, pasasalamat na maisasakatuparan na ang kanyang ninanais para sa San Diego.

<Pumasok si Elias sa set, palapit kay Criostomo>

Jerome: Don Crisostomo… Nais ko lang ay di nyo ako ibuko, sana’y ilihim ninyo na ika’y binigyan ko ng babala… Buhay sa buhay nalang po… Iniligtas nyo po ang aking buhay noon…

Reysel: Wag kang mag-alala Elias.

Jerome : Don Crisostomo… Sana’y mag-iingat po kayo palagi <paliko-liko ang tingin> sa pagkat sa lahat ng dako’y may mga kaaway…

Reysel: Kung gayu’y wag kang mag-alala… Ako’y lagging handa…

Jerome : Ako’y mauuna na…<umalis>

 

Kathleen: Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipa na sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw na sa kasamaang palad ay ang napahamak sa pagtatangaka sa buhay ni Crisostomo.

Kathleen: Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, Kapitan Martin, Don Filipo, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria…

 

Gerard: <dumating at binati ng lahat maliban kay Ibbara> <inihain ang inumin> 

Gerard: Sabihin mo tenyante, talaga bang nawawalan ng modo ang isang tao kapag ito’y nakapangibang bansa na?                                                                                                                                                

Arnold: <natahimik> Ahh Padre Damaso… Tikman nyo po ito talaga namang napakasarap..                               

Gerard: Sabihin mo tenyente, nawawalan ba sila ng modo o sadyang ipinanganak na sila na wala na talagang mga modo… Sabihin  mo…

Arnold: Ahh baka nga…

Gerard: O di kaya’y namana nila ito sa kanilang ama… Hindi ba?? Gaya ng iba diyan na ang ama’y kinulong… Di kaya ganun alkalde… Mula lang sa kanilang angkan lamang yaon… Kaya nga ipinalilibing sa sementeryo ng mga makasalanan di ba??                                                                                                         

Reysel: <tumayo at may hawak na kutsilyo> Ba’t kailangan nyo pa akong paringgan kung pwede nyo namang ipamukha sakin…  Ba’t   kailangan pang idamay ang aking namamahingang ama!! Ha?? Talaga namang wala kang kasing sama!! <sasaksakin na si Damaso>

Julliane: Crisostomo!!! Wag!!! Parang awa mo na wag!!

Gerard: Segi!! Ituloy mo!! Ituloy mo!! Ano pang hinihintay mo… Ipakita mo kung ano ang tunay na ugali ng mga Ibbara… ng inyong lahing mga Erehe!!

Reysel: <umalis at itinapon ang kutsilyo>                                                                                                                                       

Julliane: Crisostomo! <sinundan>

Kathleen: Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.

<Umalis ang lahat liban kina Kent at Arnold>                                                                                                                                            

Kent: Kung naging matimpi lamang si Ibbara’y di sana ganun ang nangyari…

Arnold: Don Filipo walang makakapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama.

Kent: Ipagpalagay nalang natin na hinihintay ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama.                                                                                                                           

Arnold: Wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle

Kent: Sabagay… sabagay ganun…

<umalis ang dalawa>

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s