Act 6- Ang Derik


<maraming naghahanda sa pista, maraming dekorasyon at tao na pagala-gala sa set, iiba ang setting “city streets” pero maraming palamuti>

Kathleen: Panahon nanaman ng pista sa bayan ng San Diego para ipagdiriwang ang mabubuting gawain ng mga santo. Masaya at makulay ang pista, maraming naghahanda ng mga pagkain na iahahain. Kumalat <maraming dyaryo ang binigay na may pangalan ni Ibarra, mukhang mangha ang mga tao kay Ibarra> na sa bayan ang plano ni Don Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa ng paaralan, maraming namangha sa marangal na plano ng binata.

<magkasama na nag-uusap sila Reysel at Julliane> < nilapitan ni Elias si Ibbara, nakaalis na si Julliane>

Jerome: Senyor Ibarra, magsisimula na ang pagbasbas ng pundasyon ng inyong paaralan. Huwag kayong lalayo sa tabi ng kura, huwag kayong lalapit sa bato dahil maaaring kasama rito ang buhay ninyo!
Reysel: Hindi ko naiintin….! <umalis agad si Elias sa set>
<ang setting ay plain grounds at maraming tao >

Kathleen: Maraming tao sa paligid, may isang malaking “derik,” naroon sina Padre Salvi, Lucas, Crisostomo Ibarra, Pilosopo Tasyo at Elias.

Nicole: Magandang araw sa inyong lahat! Ngayon, magsisimula na ang paglagay ng unang bato sa paaralan ni Don Crisostomo Ibarra! <maraming nagpalakpakan>
<pumasok sa set si Reysel, nilapitan ni Nicole>
Nicole: Don Crisostomo, nais naming lahat na ikaw ang maglagay ng kutsara sa butas na kalalagyan ng unang bato bilang tradisyon.

<titingin si Reysel sa bato>

<ginabayan ni Nicole si Reysel papunta sa may butas, binigyan niya ng kutsara, lumayo si Nicole>

<hinigpitan ni Reysel ang hawak niya sa kutsara, dahan-dahang lumapit pa sa butas, palingon-lingon sa paligid; mabilis na bibitawan ni Ryan ang lubid, mabilis din na itulak ni Jerome si Ryan para mabanggaan si Reysel palayo sa butas at si Ryan ang mahuhulugan ng syrofoam na bloke.>

<nagtakbuhan ang lahat sa paligid ng set, merong iba sisigaw: “Patay na ang lalaki!”>

Herbert: Masamang panimulain…

Kathleen: Naging malaking masamang panaginip ang nangyari… Isang masamang panimulain ika nga… Ngunit hindi ito naging hadlang kay Crisostomo na itigil na lamang ang kanyang minimithing kabutihan para sa sitio San Diego.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s