Act 11- Ang Dalawang Senyora at Ang matalinhaga


<ang setting ay sa kalsada sina Trixia at Jerwin ay magkaakbay na namamasyal>

Trixia: Mhh!! Ang papangit naman ng mga bahay rito, ang pangit-pangit… Mga Indio talaga!!

Jerwin: Huwag mong lakasan ang iyong boses baka marinig ka ng mga tao

Trixia: Eh… ano ngayun?? Mhh walang nagbibigay ng Revencia… Di ba nilang makitang isa akong Orofea?? Mga bobo talagang mga Indio…

<Nagkatinginan ang dalawang Donya, tinarayan ni Consolacion si Victorina mula ulo pababa, ngumuso at dumura>

Darline: Pwee!! Kala mo kung sino… Peke naman…

Trixia: Hoy… Alparesa, anong akala mo sakin bingi? Narinig kong sinabi mo!!

Darline: Natural may tenga kang malapad maririnig mo ako. Yun nga lang hindi sinlapad ng tenga mo ang kokote mo. Tch, anong amoy na yun?? Amoy… peke, pekeng Orefea!!

Trixia: Somosobra ka na Ah… Mhh di bale, hindi ako pimapatol sa mga mabababa

Darline: Sinong mababa?? Ikaw?? Pinariringgan mo lang bang sarili mo??

Trixia: Mhh, baka… baka may labahan ka pa… Pagalitan ka ng amo mo, maglaba ka na, segi na…

Darline: Palaban ka ha… Ang asawa ko Alperes, ikaw asawa mo pilay na… katulad mo pang peke, Peke!!

Trixia: Walang hiya ka!! <nagsabunutan> <pinipigilan ng asawa>

<Dumating si Saturn>

Saturn: Itigil nyong kaguluhan na ito!!

Darline: Syang unang nanakit!!

Trixia: Ako pang nanguna?? Walang hiya ka talaga!!

<Dumating si Nicole>

Nicole: Anong kaguluhan ito?? Mga Senyora itigil nyo to…

Saturn: Mapagbanal-banalang Carliston… Segi nga kung mapatigil nyo…

Trixia: Bitawan mo ako Tiborcio!! Hamunin mo ang Alperes ng sabelo o rebolber na manlang!

Jerwin: Alam mo naman ang aking kalagayan…

<Galit na umalis si Trixia habang nakayakap si Darline kay Saturn at pinapataha>

<Iang setting ay sa bahay na ni Kapitan Tiago, Nandoon sila Julliane at Liam>

Narrator: Pagdating sa bahay ng mag-asawa, inabutan nilang kausap ni Linares si Maria at ang mga kaibigan nito.

Trixia: Bweset!! Ikaw talagang nakakabweset Tiborcio… Linares!! Linares Hali ka nga rito…

Liam: Donya Victorina??

Trixia: Hamunin mo ang Alperes ng sable… Hamunin mo!!

Liam: Bakit po?? Bakit ko hahamunin ang Alperes… anong ginawa nya…

Trixia: Bwest ka rin ano?? Wala ng tanong-tanong… Ano?? Gusto mo bang ibuko ko ang pagkatao mo kay Kapitan Tiago??

Liam: <namutla> Rebensia Donya Victorina…

<ang setting ay si Tiya Iasabel nalang at si Ibbara at sila Maria sa balkonahe>

Kathleen: Dumating kinabukasan si Ibarra. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay hindi excommunicado at dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at nagsasaad na inaalis na ang excomunion.

Reysel: <tuwang tuwa> Tiya Isabel… Tiya Isabel… Basahin nyo po to!!!

Melanie: <natuwa> Binawi na ang iyong escommunion!! Nakakatuwa naman… Lubos akong nagagalak!!

Reysel: Nassan po si Maria Clara??

Kathleen: Biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng kasintahan si Linares na nasa balkon.

<Magkatabi sila Maria Clara at Linares sa balkonahe na parang magkasintahan. Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na abaniko. Sa may paanan nito ay nandoroon si Linares na nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si Linares ay waring napapatda at hindi makapagsalita>

Reysel: Pasensya na… Di na ako nagpasabing dadalaw… Isa lang naman sadaya ko… Kamustahin ka’t sabihin sayong hindi na ako excommunicado.<nalungkot> Baka masira kong maganda nyong araw. Mauna na siguro ako… <umalis>

<tumayo si Jullianne ngunit nabinat at sinalo ni Liam>

Kathleen: Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip.

<si Liam nalang ang nasa set at may binabasang sulat>

Kathleen: Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina.

Trixia: (voice over)Mahal kong pinsan…Sa loob ng tatlong araw, kailangang malaman ko kung kayo ay magtuos ng alperes at naglaban. Kapag natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya nakakalaban ay, ipababatid ko kay kapitan Tiyago na ikaw ay di naging kalihim, hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan. Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita (Maria) at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat ng magustuhan mo ay ibibigay ko basta kalabanin mo lamang ang alperes. Ako ay hindi tatanggap ng anumang paumanhin o dahilan. Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo ng buong puso,

Linares: Panu to?? Hu!!… Hahamunin ko ang alperes… Hu!!Kailanagn kong gawin to… Hindi para sa akin at sa Donya… Kundi para kay Maria…

<Pumasok si Sinang sa set na nag-aargue kay Ibbara>

Iris: Ibbara… ayaw ka nga nyang makausap, naiintindihan mo ba??

Reysel: Bakit ba ayaw mo akong ipakausap sa kanya??

Iris: Ibbara… Imposeble ka talaga… Ayaw na nya sayo…

Reysel: Hindi ako naniniwala…Hindi ako naniniwala!! <umalis>

Kathleen: Hindi naniniwala si Ibbara sa mga salitang binitawan ni Sinang na hindi na sya mahal ni Maria. Umalis siya na bigo at lungkot na lungkot…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s