Act 10- Ang Karapatan, ang Lakas, ang Mag-asawang de Espadana at Ang Balak ni Badjao


Narrator: Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianit  ng ‘Crispino dela Comare’ na sinasabayan ng pagsayaw ni Yayeng. Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Pari Salvi na walang kurap na nakatitig kay Maria Clara. Tapos na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra.

<Pumasok si Ibbara at nagbubulungan ang mga tao>

Jullian: Crisostomo…

Reysel: Maria Clara… Maaari ba kitang tabihan …

Xyril: Oh segi Crisostomo dito ka na para tabi kayo…

Reysel: Salamat Sinang…

<lumapit si Nicole kay Arnold>

Nicole: Paalisin mo si Crisostomo… Di mo ba nakikita?? Masama ang tingin ng lahat sa kanya…

Arnold: Excusar Padre ngunit hindi maaari hindi ko magagawa ang gayon…

Nicole: Kung gayu’y ako na lamang ang aalis… <umalis> Walang hiya mas pinaburan pa ang excumunicado!!

Reysel: <lumapit kay Arnold> Bakit umalis si Padre Salvi??

Atnold: Huwag mo nang pansinin yun… Bumalik ka na kay Maria Clara…

Reysel: <bumalik sa upuan> Maria, magpapaalam lang ako ng sandal, mayroon lamang ako nalimutang tipanan…

Xyril: Ibbara iiwan mo kami ni Maria Clara??

Reysel: Babalik ako agad… Pangako…

Jullian: Segi na… baka matagalan ka pa…

Xyril: Manood nalang nga tayo kay Yayeng…

<Sumasayaw na si Yeyeng nang lumapit ang dalawang sibil kay Don Filipo>

Herbert: Narito po kami para ipatigil ang kaingayan na ito…

Arnold: Bakit nyo ipapatigil, sino ang nagpapatigil?

Alfredo: Naiingayan po ang Alperes at si Donya Consolacion.

Arnold: Paumanhin sabihin mo sa kanila na di ko sila mapapagbigyan…

<nagkagulo dahil sinira ng mga Gwardya Sibil ang set. May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas pero ang mga ito ay nahuli ng mga (Kent and Jacob) kuwadrilyero. Tiyempo namang nakabalik na si Ibarra. Kaagad na hinanap niya si Maria. Kumapit na sa bisig ni Ibarra ang mga nasindakna dalaga. Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao.>

Arnold: Tama na yan… Tama na… Segi Ikulong yan sila…

<patuloy na kinastigo ng mga tao ang mga Gwardya Sibil, humugut ng baril si Herbert kaya nagtakbuhan ang lahat>

            <Naipit sa kaguluhan at natumba nag-iisa si Maria Clara>

Ibbara: Maria Clara <binuhat si Julliane palabas>

 

<ang setting ay sa bahay nila Maria>

Kathleen: Ang bahay nila Kapitan Tiago ay nabalot ng kalungkutan dahil sa pagkakasakit ni Maria dulot ng masamang nangyari sa plaza. Hindi na alam nila Kapitan Tiago at Tiya Isabel ang nararapat na gawin, pati ang pagbibigay limos sa mga santo’y ginawa na nila. Isang doktor na nagngangalang Tiburcio de Espadanya ang kanilang kinuha upang gamutin si Maria.

 

Jerwin: <nasa labas>Tao po… Kapitan Tiago…

Melanie:  Dr. Tiborcio, Donya Victorina. Bienvinido… Mabuti naman at natuntun nyo ang aming bahay.

            <pumasok si Linares>

Trixia: Oh Donya Isabel, Linares, Linares, Donya Isabel, Kapitan Tiago…

Melanie:  Napagwapong binata…

Liam: Karangalan ko pong kayo’y makilala Donya Isabel, Kapitan Tiago…

Melanie: Donya Victorina, kanina ng makita kita’y di ko lubus maisip na ikaw yaon sapagkat kung susumahin ay para ka lamang 30. Ilang taon ka pa lamang ba??

Victoria: 32 palamang ako ano ka ba…

Tiya Isabel: Excusa… akala ko’y magkaidad lang tayo… Bata ka pa pala…

Victoria: <tumawa ng plastik>

 

Narrator: Nuong bata at dalaga pa si Victorina ay kapani-paniwalang maganda ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na mapabilang sa mataas na antas ng lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na kailangang makapangasawa siya ng dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila na si Tiborcio na taga-Espanya itinaboy ng bayang Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Binihisan niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan.

<ang setting ay sa kwarto ni Maria, nakahiga si Maria Clara, nasa tabi nya ang mga kaibigan>

Jerwin: <hinawakan si Maria sa ulo> May kalalaan ang sakit nito, ngunit mapapagaling. Painumin lamang sya ng irereseta ko…

Liam: <nagandahan kay Maria>

Trixia: <lumabas kasama si Linares>Linares, parang iba ang tingin mo kay Maria Clara…

Liam: Nagagandahan lang ako sa kanya, wala naman masama dun diba??

Trixia: Linares, ipagpatuloy mo lang yan… Suyuin mo siya… Paibigin mo siya… Ng magkasilbi ka…

<Dumating si Padre Damaso>

Gerard: Nasaan si Maria Clara??

Trixia: Padre Damaso… Nasa loob sya ginagamot ng aking magaling na asawa… <sumama sa pagpasok>

<Sa kwarto ni Maria>

Gerard: Kapitan, Isabel, kung inyung mararapatin sana’y iwanan nyo muna ako mag-isa kasama si Maria Clara…

Ceasar: Maaari… Isabel, samahan mo ang mga bisita sa sala…

Melanie: Tara na po muna… Sa sala muna tayo magmeryenda ulit… Tayo na po…

<umalis ang lahat naiwan si Padre Damaso>

Gerard: Anak ko, hindi ka mamamatay.

Julliane: <mahinang-mahina> Padre Damaso??

Gerard: Maria… Segi, bumalik ka na sa iyong pagkakaidlip…

<pumasok sila Trixia at Liam>

Trixia: Mahal na mahal mo nga talaga ang iyong inaanak padre, para nyo na syang anak… Ah… Padre, kung di nyo po ikakasama ay may sulat po si Linares para sa inyo… Padre Damaso, hindi po kayo magsisisi kay Linares sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Ah… Padre, alam nyo bang tinamaan ang aking pamangkin sa iyong inaanak na dalaga??

Gerard: Talaga?? Kakausapin ko si Kapitan Tiago katungkul dyan…

             <Umalis sila Gerard at Trixia, si Linares na lang>

<Nananaginip si Maria sa kanyang ina.>

Liam: <lumapit> Maria.

Maria: <nagising at napayakap kay Linares, umiyak> <nahimatay ulit>

Liam Maria… Napakaganda mo Maria… Napakaganda mo…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s