Act 12- Ikakasal si Maria Clara at Ang pagtatapat ni Padre Damaso

 

Kathleen: Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan.

Trixia: Kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero.

Jerwin:  Nararapat lamang talaga…

<Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita.>

Trixia: Hay… Di na talaga ako makapaghintay sa inyong pagpapakasal, parang ako yung ikakasal nu? Mainggit na ang dapat mainggit, mamatay nalang sila dahil wala ng makakapigil pa sa inyong pagmamahalan… Nakakatuwa talaga, napakasaya natin nu??

Jerwin:  Ikaw lang ata… Sila parang hindi naman…

Ceasar: Ahh Masaya kami siyempre…

Trixia: Ohh kapitan… Kailangan magpapista ka, siempre minsan lamang ikasal si Maria. Dapat engrande diba??

Ceasar: Ahh oo siyempre…

Melanie: Ahh… kukuha lamang ako ng inumin… Maria samahan mo ako iha…

Julliane: Opo tiya Isabel…

Trixia: Hay… nakakatuwa, ang saya-saya nating lahat!!

<ang setting ay sa kusina, sila Maria lamang at si Tiya Isabel>

Kathleen: Sinabihan ni Maria si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob niya tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib.

Julliane: Tiyang… Di ko po ata kayang lukohin ang aking damdamin… Di ko kaya Tiyang…

Melanie: Ako rin naman, kung pwedi lang, ako na mismong tututul…

Julliane: Ayaw ko namang suwayin ang mga taong nakapaligid sakin lalong-lalo na ang aking ama…

Melanie: Mahirap nga… Napakahirap…

<umiyak si Maria at inakap ni Tiya Isabel>

Kathleen: Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago punong-puno. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si Tenyente Guevarra ng mga sibil. Si Maria na kahit malungkot ay magalang na tinanggap ang mga bisita.

<Mayroong mga babaeng nag-uusap at naririnig ni Maria>

Gab:  Ang ganda ni Maria, tanga nga lang…

Shai: Hayy sobrang tanga talaga, siya na yatang pinaka tangang babaeng nakilala ko…

Ruby: Hay naku, marinig kayo diyan, buti kung kasing tanga nya ang mga tao dito…

Joy: Di ba nya alam… Kayamanan lang naman talaga ang habol ni Linares diba… Bat di pa nya to pansin??

Gab: Kasi nga tanga siya…

Iris: <sumabad>Wala kayong alam kaya wala kayong karapatang magsalita laban sa kaibigan ko… wag kayong mag-aakusa!! Kaya lang papakasalan ni Maria si Linares dahil sa ayaw nyang mapahamak si Ibbara… Kayo, di nyo ba isasakripisyong kaligayahan nyo kapalit ang buhay ng mahal nyo?? Kung sabagay dahil nga sa ang sasama ng mga bibig nyo, sama pa ng ugali nyo siggurado akong walang nagkakagusto sa inyu… Tama??

<ang setting ay sa balcony, isa lamang si Julliane doon at parating si Reysel sakay ng bangka>

Narrator: Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap. Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra.

Julliane: Crisostomo??  Crisostomo!! <napaluha>

Reysel: <niyakap si Maria> Mahal na mahal kita Maria…

Julliane: Mahal na mahal din kita Crisostomo…

Reysel: Maria…

Julliane: Wag mong sabihing…

Reysel: Dumaan lamang ako upang … <napaluha> pinapalaya ka kita Maria… masakit man… Marami lang masasaktan, marami tayong masasagasaan… Ayokong ikaw ang magbayad ng kasalanan kung ipagpilitan natin ang ganito… Mahal kita alam mo yan… mahal na mahal na mahal kita… <action la na kiss> Paalam Maria…

Julliane: <umiyak, tumalikod at hinablot muli ni Ibbara upang ACTION LA NA KISS at niyakap>

Reysel: <niyakap> Ikaw lang ang aking mamahalin… Pangako <sumakay na sa bangka>

Julliane: Crisostomo!! <umiiyak>

 

Kathleen: Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria… Matagal.. Sa unang halik naipamalas niya ang kanyang pamamaalam kay Maria, at sa huling halik ay nangangahulugang mahal na mahal niya ng sobra sobra ang dalaga kahit na ito’y pinapalaya na niya… Pagkaraan, sumakay muli ito sa bangka.

<papalayo na ang bangkang sinasakyan nila Crisostomo>

Kathleen: Sa kanilang paglalayag, hinarang sila ng armadong mga lalaki sakay ng bangka. Di nila alam ang gagawin sapagkat wala silang miski na anong armas na dala.

Reysel: Elias, anong gagawin natin?

<pinagbabaril sila>

<sa kabilang bangka>

Alfredo: Wala na kayong kawala ngayun Don Crisostomo Ha ha ha!! <nagsindi ng dinamita>

<sumabog ang bangka nila Crisostomo>

<ang setting ay natutulog si Maria at nagising>

Julliane: <nagising> Crisostomo!! Crisostomo… <umiyak>

Narrator: Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata ni libao ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo.

<dumating si Padre Damaso>

Damaso: Maria, sirain mo ang planong pagpapakasal kay Linares…

Julliane: Padre Damaso, napag-isip-isip ko ring habang nabubuhay pa si Crisostomo kundi man sa aking alaala ay wala akong ibang iibigin, wala akong ibang pakakasalan… At paninindigan ko yun. Dahil ipinangako nya saking wala syang ibang iibigin, kundi ako lamang.

Damaso: <natahimik> Maria, patawarin mo ako… Patawarin mo ako sa pangingialam ko sa ibigan nyo…

Julliane: Wag po kayong mag-alala… Wala naman po akong sama ng loob sa inyo, napag-isip isip ko ring dalawa lang pala ang mahalaga sa aking buhay… Ang mabuhay at ang mamatay…

Damaso: Maria… wag kang magsalita ng ganyan…

Julliane: <may galit>… Ngayun, ano pa po bang rason para mabuhay, wala na ang aking pinakamamahal…

Damaso: <umiyak>… Patawarin mo ako Maria… Patawarin mo ako…

Julliane: Napag-isip isip ko ring pumasok nalamang sa kumbento, ito na lamang ang aking naiisip na dahilan upang mabuhay pa, at magkaron ng saysay ang aking buhay… Upang malimot ang lahat ng masalimoot na nangyari saking buhay… <umiyak> upang malimot si Crisostomo… na aking mahal na mahal

Damaso: Taha na, taha na Maria.

Narrator: Sinabi ni Maria na habang nabubuhay pa si sa kundi man sa kanyang ala-alaIbarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang mabuhay. Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa langit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s