Act 13- Ang Noche Buena at Ang Pagsisimula ng pagwawakas


Narrator: May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda (Aiza) na gumagawa ng walis. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa.

Aiza: Basilio, nagugutom ka na ba apo?

Ervin: Namimiss ko na po ang aking inay, namimiss ko na po siya…                                                                    

Aiza: Anong plano mo apo?.

Ervin: Maaari na po ba akong umuwi??                                                                                                                     

Aiza: Napamahal ka na rin sa amin, ngunit kung yun ang gusto mo, wala akong magagawa.

Narrator: Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan.

Ervin: Inay?? Inay!!

Noemi: <hinabol ng tanod at ni Ervin ng nagalit yung tanod binato nya ngunit si Ervin ang natamaan>

Ervin: Inay?? Inay!! <tinigilan din sila ng tanod>

Noemi:  Basilio?? Basilio anak??

Ervin: Inay?? <nahimatay>                                                                                                                                 

Noemi: <humagol-gol> Basilio?? anak ko… anak!! <inatake>

Ervin: <nagising ngunit patay na ang ina, umiyak> Inay!! Inay!!

<pumasok sa set si Jerome na hinang-hina>

Ervin: Senyor, tulongan nyo po ako, parang awa mo na                                                                                     

Jerome: Paumanhin bata ngunit, hindi kita matutulongan… <natumba> Kumuha ka ng mga tuyong kahoy at isilab mo ng sa kami’y maging abo na lamang… <namatay>

<ang setting ay papalit palit lamang>

Narrator: Magmula ng pumasok ng kumbento si Maria Clara, marami ang nabago sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya, una rito si Padre Damaso nanirahan sa Kabundukan.

Gerard: Patawarin nyo po ako sa aking mga kasalanan, patawarin nyo po ako… <inatake>

Narrator:Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.

Nicole: <nagdarasal>

Narrator: Si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman.

Melanie: Tiago, nag-aalala na ako sa’yo, di ka na kumakain, ano bang nangyayari sa’yo?? Kausapin mo naman ako oh… Tiago!!

Ceasar: <tulala> Umuwi ka na sa Malabon, gusto ko ng mabuhay mag-isa…

Narrator: Pangarap?… Liwanag at ningning?… Liwanag at dilim? Sa kapanahunan ng kadiliman, ay maraming nagdurusa. Maraming nanahimik at napahamak. Nanirahang takot, nanirahang naghihinagpis. Ang araw na hinihintay ko’y hindi pa lumilipas, ang kabiguan ay hindi parin lumalayo, ang pang-aapi ay  mas papalapit.  Ang mga tao ng San Diego, alam na natin ang iba’t-ibang kuwento nila; maraming malungkot, maraming masungit, marami din ang nagsasaya, parang walang problema, marami ding nagkunwaring masaya at nagkunwaring walang problema… Hindi pa ito ang wakas ng pagmamahal sa bayan, ito ay panimula pa lamang sa isang panibagong yugto….

Reysel: <magigising> Maria!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s