Act 9- Ang Prusisyon at si Donya Consolacion


<ang setting, sa loob ng bahay ni Donya Consilacion>

Kathleen: Isa sa napatapat ng prusisyon ang bahay ng Alperes at ng kanyang asawa na si Donya Consolacion ngunit ito ay pinid na pinid.

Darline: Por Que este no Idejame estar??

Saturn: Pwede ba wag kang magpaka espanyol!!! Dahil hindi ka naman isang espanyol!!

Darline: Bakit baa yaw mo akong payagang lumabas, ikinahihiya mo ba ako? Wag mo akong ikahiya sapagkat mas nakakahiya ka!!

Saturn: Sino bang normal na taong hindi ka ikinahihiya katawa-tawang pagdadamit mo. Ang iyong amoy ay katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Sabihin mo sinong hindi ka ikakahiya?

Darline: Bawiin mong iyong sinabi!! Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang higit pa ngang lamang ang aking kagandahan kaysa kay Maria Clara?

Saturn: Sino? Si Maria Clara? Nasisisraan ka na talaga…

Darline: Sinong hindi masisiraan sa ginagawa mo sakin? Sobra-sobra mokong alipustain at murahin… Sobra-sobra!! Sinong hindi mababaliw… Sinong hindi masisiraan ng bait??

Saturn: <sinikmura at hinawakan ang buhok> Huwag mo akong sisigawan… Baka gusto mong ipaalala ko sa pagmumukha mo kung sino ka bago kita napangasawa… <itinulak sa lupa> Hoy mga walang silbing katulong… Bantayan nyong mabuti ang inyong Donya…

Carmille: Masusunod po Alperes…

<nakita ni Consolasion si Sisa na kumakanta sa labas>

Kathleen: Isang gabi marinig ng Donya ang tinig ng isang ina, na si Sisa. Pinatawag nya ito upang pakantahin  para sa kanya. Dahil sa espanyol ang lenguahe ng Donya ay di ito naintindihan ni Sisa.

Darline: Alipin!! Alipin!! Usted sordo!? Traer Sisa ngayun na…

Carmille:  Ipapakuha po si Sisa? Masusunod po…

<pumasok si Sisa>

Darline: Revencia!! Revencia!!

Noemi:  <tumatawa> Ano?? <tinulak ni Consolacion>

Darline: Ahora!! Cantar.

Carmille: <pabulong>Sisa… kumanta ka daw…

Noemi: <kumanta nga Kundiman ng Gabi>

Darline: <napaluha> Ang awit ay tumalab saking damdamin?? <natauhan>Bailar Ahora!! <linatigo>

Sisa: Aray!! Tama na po!!

Darline: Bailar Ahora!!

<dumating ang alperes>

Saturn: <kinuha si Sisa> Alipin… Pakainin mo sya at damitan…

Darline: Que?? Que problema??

Saturn: Bakit mo ginanun si Sisa??

Darline: Por Que??

Narrator: Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si Donya Consolacion yaon ay bunga ng kanyang kawalan ng sapat na edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng mga sundalo na mapangasawa niya ang alperes na nuon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan kung may plastik na pag-uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan, marunong ng kastila at may ugaling Europeo.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s